Post by Dr. Boskonovich on May 8, 2007 4:25:26 GMT -5
Naniniwala ka ba sa demonyo?
Yung evil spirit na pumapasok daw sa katawan ng tao?
Yung talagang impakto nakulay pula, may sungay, may pangil at may hawak na tinidor?
Nakakita nako ng demonyo, napakaraming beses na. Kulay puti sila at marami. Solid sila at hindi kaluluwa. Pumapasok sila sa katawan ng tao pagkagaling sa aluminum foil. Napakarming krimen ang nagaganap bawat oras dahil sa kanila. Yung mga masaker at rape cases na yan...paborito nila yan! Ang galing ng tirada. sobra!
Ang totoo marami sa atin ang biktima ng ipinagbabawal na gamot, pero hindi natin to alam. Kaya kailangan pa natin ng ibang tao na magsasabi nito sa atin.
Ang kwento ng mga taong to na itatago na lang natin sa mga pangalang Nonoy at Luningning, at kung paano nila nalaman na biktima sila ng droga, ay hango sa tunay na buhay.
Narito ang kanilang mga kwento upang magbigay inspirasyon sa lahat.
- Inutusan ni Nonoy ang mga estudyante nya na pumila nang maayos para sa flag ceremony. "Find your height, Alphabetically!". Sumigaw ang isang bata, "Sir kayo po ay nalululong sa ipinagbabawal na gamot!".
- Relihiyosa si Luningning at palasimba. Kaya itinanong nya sa kaibigan kung pang ilang Linggo ng Marso sa kasalukuyang taon papatak ang Ash Wednesday. "ADEEEEEEEEEK!!!" napasigaw ang kaibigan nya.
- Driver si Nonoy ng pampasaherong jeep. Syete ang pamasahe. May nagbayad ng sampung piso. Bago suklian, tinanong muna ni Nonoy ang pasahero: "ilan yung sampung piso?". Sumagot naman ang pasahero: " Dalawa kung adik ka!".
- Nagbababad si Luningning sa isang swimming pool nang bigla itong mapundi dahil sa isang bata na paulit-ulit na umaahon at tumatalon sa tubig kaya sinigawan nya ito: "pwede ba bang magdahan dahan?!?..NAKAKABASA KA!!!". Humingi ng paumanhin ang bata at binilhan nito si Luningning ng cough syrup.
- Inutusan si Luningning ng nanay nya na bumili sa palengke ng "skinless longganisa". Pagdating sa palengke, tinanong ni Luningning ang isang tindera kung meron itong "stainless longganisa".. "oo suki" sabi ng tindera. " At may discount ang mga adik!".
- Inutusan si Luningning ng amo nya na mag update ng passbook nito sa Metrobank. dumating si Luningning sa banko at nakitng masyadong maraming tao at mahaba ang pila. Tumawag ito sa amo nya at tinanong kung pwedeng sa PNB na lang sya magpa update. "HINDI pwede, adik ka kasi!"..sagot ng amo nya.
- Nasa party si Nonoy nang makita nyang nagbubukas ng bote ng gel ang barkada nya. Inagaw nya ang gel at mabilis na ipinahid sa balat. "Nonoy". sabi ng kaibigan nya, " ikaw ay *@#%$^&$%^ adik!".
- Magkatrabaho sina Nonoy at Luningning. Sa pagkukuwentuhan nila habang lunchbreak, napag alaman nila na pareho pala cilang pumunta sa Glorietta nung nakaraang linggo.
Luningning: hahaha! Nandon ka din pala?
Nonoy: Oo, Kumain ba kayo sa Choleng's Restaurant?
Luningning: Doon kami naglunch!. Anong oras kayo nandon?
Nonoy: hahaha! Nandon kami mga quarter to 2!.
Luningning: Talaga? 2 pm yata kami kumain e!
Nonoy: Sayang hindi tayo nagkita.
Luningning: SAYANG NAMAN! Syeeeeeeeeet...sayang talaga!
(Araw-araw sila nagkikita. WAla namang premyong house and lot sakaling magkita sila nang di sinasadya sa labas, pero hinayang na hinayang pa rin sila. AH! Baka sila'y may pot session!)
source:
Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong
Chapter: gynottul