Post by Dr. Boskonovich on May 8, 2007 3:52:35 GMT -5
Fiesta saa min ngayon. Katulad ng lagi, palakad lakad
ang mga namamamalimos, ati-atihan at mga manlalako ng
iba't-ibang uri ng paninda. Pero sa kanilang lahat, fiesta man o hindi, merong mga taong hindi ko malaman kung humihithit ng
floorwax o sadya lang talagang gago. Hindi ako sigurado
kung itinitinda nila o ginagawang premyo sa palabunutan
pero talagang hindi nakakatuwa ang pagkukulay sa mga
nilalakong sisiw. Oo, kung nakita mo na dati ang ulo ni
Dennis Rodman at Crusty the Clown, ganong ganon din ang
ginagawa nila sa balahibo ng mga kawawang sisiw.
Pinipinturahan ng red, green, orange, pink atbp.
Hindi ako animal rights advocate pero hindi na kelangang
maging myembro ng anumanag organisasyon para lang malaman
na mali ang isang napakasimpleng bagay. HINDI NOKIA
CELLPHONE ANG MGA SISIW NA PWEDE MONG PALITAN NG HOUSING KUNG GUSTO MO.
Mahilig akong mag alaga ng hayop simula nung bata pa ako.
Sa katunayan marami na rin akong naalagaan:
aso, pusa, tuta, kuting, asong mabaho, tutang galisin,
pusang kumakain ng sarili nyang kuting, goldfish,
angelfish,isdang kanal, ibong ligaw, ibong d ko alam ang
lahi, guinea pig, white mice, hermit the crab, talangka,
tipaklong, langgam, uod, bulate, gagamba,
ipis,salagubang, garapata, manok at kalapati ng buong
pamilya..whew!
At sa pag-aalaga ko ng lahat ng yan, natutunan kong:
- hindi nakakalipad ang tutubi pag tinaggalan mo ng pakpak
- kinakain ng tipaklong ang paruparo
- inaaway ng aso ang pusa
- kinakain ng isda ang mga anak nya
- mas matapang ang mga buntis na aso
- namamatay ang isda pag nilagyan ng isang tabong asin ang tubig nila
- namamatay ang parrot kapag hindi pinakain
- wala akong natutunan sa mga guinea pig bukod sa ang
paboritong pastime nila ang mamatay.
- tumatakas sa kulungan ang mga hamster
- ayaw ng mga isda sa kanal
- mas masrap kainin ang talangka kesa alagaan
- pwedeng pagsamasamahin sa isang kulungan ang sisiw at guinea pig pero kung matino kang tao e hindi mo yon gagawin
- pagkatapos mong alagaan at mahalin ng mga ilang bwan
ang mga alaga mong leghorn ay kakatayin din ito ng mga
magulang mo bilang handa sa birthday party mo.
- iiyak ka at makukunsensya dahil hindi mo matanggap ang
katotohanan na nasarapan sa pagkain sa alaga mong leghorn.
- ang sisiw na tinatawag nilang "45 days" ay pwedeng umabot ng 112 days...o higit pa!
- at pwede ring mamatay in 3 days.
- nangangain ng tsinelas ang baboy
- 48 hours lang ang life span ng pugo
- mabaho ang baboy
- mabaho din ang patay na alaga
- walang kwentang alaga ang mga garapata.
source:
Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong
Chapter: Holts