|
Post by lak&lol [rJ] on Sept 19, 2007 19:09:13 GMT -5
Dear Dodong Anak, Naipadala ko na ang 50 thousand pesos na tuition fee mo, ipinagbili na namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER STRIKE, wala na din pala tayong baboy, naibenta na din para dun sa sinasabi mo na project nyo na NOKIA N73, ang mahal naman ng project nayun. kasama din ang 7 thousand dun para sa field trip nyo sa MALL OF ASIA, anak malayo ba yun mag ingat ka sa pagbibiyahe mo, isasanla pala namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na kinakailangan mo sa laboratory nyo. Dong, komportable kaba dyan sa boarding house mo saan ba kamu yan sa VICTORIA COURT - maganda ba dyan, di ba mainit dyan? Anak kamusta na pala yung group project nyo na SANMIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado dun?
Dong sana bago pa maubos ang lahat lahat ng arian natin ay maka gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa SECRETARIAL, sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng kumpanya para mabawi natin ang mga ari-arian nating nasa sanglaan. ay sya nga pala Dong Anak di ba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi kumakain, ok ba naman sa yo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa ka naman.Eh yung school bus nyo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.
Dodong hanggang dito na lamang at sa susunod ay ipapadala ko sa yo ang pera na pambili mo ng INOVA na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal, Itang at Inang P.S. Anak mag aral ka ng mabuti.
|
|
|
Post by ¦¦>belLa_OucHi_aLiEn<¦¦ on Nov 16, 2007 11:37:02 GMT -5
LOLz..cOoL
|
|
|
Post by wowposter on Sept 9, 2008 22:06:56 GMT -5
|
|