Post by clenski on Apr 1, 2007 6:55:02 GMT -5
;D
**10 uri ng MANLILIGAW***
1. Mr. Gwapings - mayaman, gwapo, kilala, at
higit sa lahat may wheels. mataas ang
confidence nya na hindi sya mababasted, kaya
pag nabasted..maapektuhan ng husto ang
kanyang EGO. at teyk note, malas mo kung
may sour grape attitude pa yan. pwede nyang
sabihing "sus kala mo kung sinong maganda e
pinagtyatyagaan ko lang naman sya! pwe!"
2. Mr. Quickie - ang type ng manliligaw na kada
magkikita kayo e wala nang alam na sabihin
kundi "kelan mo ba ako sasagutin?" o kaya "i
love you na, ako ba hindi mo pa lab?" kahit na
isang linggo pa lang naman syang pumoporma.
kung baga dinadaan nya sa pangungulit para
mabilis ang pagsagot mo.
3. Mr. Everything - linya nya ang "sagutin mo
lang ako, ibibigay ko sayo lahat, lahat ng
magustuhan mo. kahit ang pa buwan o kaya
mundo." tanga ka na pag nagpauto ka. dahil
pag sinagot mo na yan, makakalimutan na nya
ang linyang yan.
4. Mr. Stalker - eto yung type ng manliligaw na
pag nagkahiwalay kayo e sisimulan ka sa
tanong na "kumain ka na ba?" pagkasagot mo
susundan pa nya ulit ng tanong "nsan ka
ngayon?" "sinong kasama mo?" "anong
ginagawa mo?" at kung anu-ano pa. basta
tungkol sa daily activities mo kelangan
malaman nya.
5. Mr. Take it or leave it - pag binasted mo ang
ganitong type ng manliligaw, asahan mo bukas
may nililigawan na sya ulit. at heto pa, hinding
hindi ka na nya papansinin. period.
6. Mr. Salesman - dadaanin ka sa matatamis na
salita. parang si Mr. Everything din kaya lang
sya mas matindi mang-uto. yun bang tipong..
"ang ganda ganda talaga ng mga mata mo.." o
kaya "ang kinis kinis mo" o kaya "ang lambot
ng mga kamay mo" at iba pang pang-uuto
mapasagot ka lang.
7. Mr. Good Dog - eto ang nakakatuwang
manliligaw. kase payag syang magpaalipin.
taga bitbit ng bag mo o kahit ng mga kaibigan
mo. kahit magmuka syang buntot sa tuwing
may gala kayo ng mga barkada mo.
napapakitang gilas kung baga. pero pag
sinagot mo na, for sure gaganti yan.
8. Mr. Anonimous - motto nya ang "action
speaks louder than voice". wala kang kaalam-
alam, nanliligaw na pala. kaya pala ang bait-
bait sayo. e akala mo mabait lang talaga.
hehe!
9. Mr. Second chance - sya ang pinakamasugid
mong manliligaw. kahit 100 tayms mong
sabihing ayaw mo sa kanya at wala na syang
pag-asa ang sasabihin nya parin "Please give
me a second chance"
10. Mr. Romantiko - jologs ang mga paraan nya
sa panliligaw. manghaharana, pakikisamahan
mga barkada mo, liligawan parents mo at
laging may dalang flowers and chocolates
tuwing dadalaw. pero madalas
nakakapagpakilig sya ng nililigawan
nya dahil sa kanyang "malinis na hangarin"
hehehe wala lng...
ingatz... ;D